Lunes, Enero 2, 2012

Ang Pasko para sa akin :3

Pasko ay ipinagdiriwang natin isang beses isang taon. Papaano ba natin ipinagdiriwang ang Pasko? Diba kapag pasko naglalagay tayo ng dekorasyun, mga Christmas light, at naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain, nagbabalot tayo ng mga regalo, kapag malapit na ang pasko diyan din natin isinasagawa ang simbang gabi ganyan natin ipinagdiriwang ang pasko. ANO NGA BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PASKO? Marami ang nagsasabi na ang kahulugan ng pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagkakaisa. Para sa akin ang pasko ay isang simbolo lang at pag respeto sa kapanganakan ni Jesus. Para sa akin kailangan gawin natin ang pasko araw araw. Sasabihin pasko kaya magmahalan tayo, pasko kaya magbigayan tayo, magpatawaran tayo pasko kasi eh. Pasko lang ba natin pwedeng gawin ang ganyang mga bagay? Diba dapat bilang tao kahit hindi pasko dapat magmahalan tayo, mag kaisa, magbigayan, mag tulungan tayo , kahit hindi pasko gawin nating malinis ang ating puso. Hindi yung gagawin lang natin yan kapag pasko. Yun ang tunay na diwa ng pasko para sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento