Lunes, Enero 2, 2012
Ang Pasko para sa akin :3
Pasko ay ipinagdiriwang natin isang beses isang taon. Papaano ba natin ipinagdiriwang ang Pasko? Diba kapag pasko naglalagay tayo ng dekorasyun, mga Christmas light, at naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain, nagbabalot tayo ng mga regalo, kapag malapit na ang pasko diyan din natin isinasagawa ang simbang gabi ganyan natin ipinagdiriwang ang pasko. ANO NGA BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PASKO? Marami ang nagsasabi na ang kahulugan ng pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran, pagkakaisa. Para sa akin ang pasko ay isang simbolo lang at pag respeto sa kapanganakan ni Jesus. Para sa akin kailangan gawin natin ang pasko araw araw. Sasabihin pasko kaya magmahalan tayo, pasko kaya magbigayan tayo, magpatawaran tayo pasko kasi eh. Pasko lang ba natin pwedeng gawin ang ganyang mga bagay? Diba dapat bilang tao kahit hindi pasko dapat magmahalan tayo, mag kaisa, magbigayan, mag tulungan tayo , kahit hindi pasko gawin nating malinis ang ating puso. Hindi yung gagawin lang natin yan kapag pasko. Yun ang tunay na diwa ng pasko para sa akin.
Ang Kantang Para sa Atin : )
Ang kantang magkabilaan para sa akin ay masasabi kong parang magkakaiba ang bawat tao at may kasalungat din ang mga ito. Tulad nito ay ang mayaman at mahirap, sikat at ordinaryong tao lamang. Iilan lamang ito sa mga halimbawa. Nagustuhan ko ang kantang ito dahil sa magandang liriko nito na nagsasabing mayroon tayong tanging katangian na hinding hindi magagaya o makokopya ng ibang tao.
"Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid."
Linggo, Enero 1, 2012
Pasko Nanamang Wala ka :(
Isa na namang Pasko kung saan di kumpleto ang pamilya. Ano pa nga bang mas masayang matanggap na biyaya tuwing Pasko kundi ang isang masaya at boung pamilya.
Siguro talagang masasabi kung alam ko yung pakiramdam na yung kasi isang taon na naman ang lalampas na di namin kasama ang Papa ko sa Pasko at sa Bagong Taon.Alam kung napakahirap ang situwasyon na to lalong lalo na sa aming mga anak na naiwan. Hindi bat kaysayang tignan na mgkakasama kayo sa bahay, may Noche Buena man o wala basta sama-sama, masaya at nagmamahalan.Malungkot man..,alam ko na ipanapakita nila ang isa sa pinakamagandang regalo sa Pasko. Yun ay ang pagmamahal, pagmamahal na mula sa puso, yung tipong handa kang magsakripisyo para sa taong mahal mo.
Saan man sila naroroon ngayung pasko, sana masaya sila at sana nasa mabuting kalagayan sila. And for my Dad who is currently working in Dubai. How i really wish that he’d be here spending Christmas with us. Pero hindi eh, kaya sana ngayong pasko kahit malayo kami sa kanya, sana masaya siya dahil mahal na mahal namin siya at alam kung mahal din niya kami.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)